"Teka nga nasabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya?" tanong ni Lottie at kinuha ang remote ng tv para manuod. "Hindi--I mean hindi ko alam." Paano ko nga ba sasabihin? "Lottie paano ka pala niligawan ng boyfriend mo? Paano mo siya sinagot?" "Dinaan niya ako sa mga sweet talk at sense of humor, siguro isang buwan niya akong niligawan. Gusto ko din naman siya kaya di na ako nagpakipot baka mamaya mag bago isip niya, manligaw pa ng iba," aniyang kinikilig at tumawa. "Char! Nililigawan ka ba niya Minah?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Lottie. Yung camera na nakatutok sa amin pakiramdam ko nakapokus sa akin. "Lottie heheh ano kasi, ahhmm." Hindi ako makapag isip ng maayos pakiramdam ko pinapanuod kami ni Sir Zeus. Napatikom na lang ako ng bibig. "Ah basta, ang maipapayo k