MZ C-29

3359 Words

Isang malaking kwarto at puro painting pala ang nasa loob. Magagandang painting na pwedeng idisplay sa exhibit. Maraming painting na ang iba ay nakasandal na lang sa pader at ang iba naman ay nasa sahig na. Marami ding nakadisplay sa pader.   Si Mr. Z nga siguro ang gumawa nang lahat ng ito at ang painting ko noong dinner date namin ay siya din ang gumawa. Pati ang palette na nakita ko sa basurahan ay gamit din niya. Hindi na ako magtataka dahil sikat na pintor ang daddy niya.   "Wow ang ganda. Sino po ang nag paint ng mga ito? Si Mr. Z po ba?" tanong kong naniniguro.   "Tama ka hija si Master ang gumawa niyan," sagot ni Nay lydia at nilibot ang tingin sa paligid habang hinahanap ang dumi ni Sylvester. "Nasan na kaya ang dumi ni Sylvester," aniya habang nakatingin sa sahig. Ako naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD