"Mabuti at nakarating kayo agad." "Opo Ma'am, magugulat po kayo pag nakita mo siya, napakagandang babae. Hindi ako makapaniwala sa itsura niya ngayon." "Ganon ba, hindi na ako magtataka dahil iba din pumili ang alaga ko." Habang naririnig ko ang usapan ni Manang at ng driver ay lalong tumitindi ang kaba ko. Pumikit muna ako at huminga ng malalim saka tumapik sa dibdib ko."Lord. Kinakabahan ako." "Ahh ganon ba, o syah' syah'. Papalabasin ko na siya, paki park mo na lang itong sasakyan." utos ng aking mayordoma. "Okay Ma'am," sagot naman ng Driver. Naku po! Ayan na! Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko na nagawa pati ang tuhod ko ay nanginginig na sa sobrang kaba. Habang nakapikit ay narinig kong bumukas na ang pinto. "Ay! Minah? Ikaw ba yan?" Dahan-dahan kong minula