"Lets us all welcome the Owner of FALCON CORPORATION MR. ZEUS LANDON FALCON." Rinig na rinig ko ang malakas na hiyawan ng mga taong nanunuod, nasa back stage kami ni Zeus ng mga oras na iyon. "Stay there," bulong niya. Tumango ako bilang sagot. Lumakad siya papunta sa stage. Sunod-sunod na click ng camera ang nakita ko nang makalapit si Zeus sa host. Kumaway siya sa mga bisita. Ngayon ko lang napansin na marami ding reporter ang nandoon. Halos matulala sa pagtitig ang mga taong nakatingin kay Zeus. Ang iba ay napanganga na. Hindi nila aakalain na ang taong nasa harap nila ay anak ni Zion Falcon na kamukhang-kamukha niya. Dagdag pa na napakagwapo at napaka kisig din ni Zeus. Binigay ng host ang mikropono kay Zeus kaya ang mga tao ay biglang natahimik. Naghihintay ng sasabihin n