Chapter Twenty Two Baste Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa may likod ng pintuan at dali daling lumabas. Kagagaling ko lang sa digmaan kaya hapung-hapo ang katawan ko. Nanlalagkit rin ako sa pawis at ramdam ko ang pangingilo sa parting iyon kung saan ay dalawang beses pang pinagdiskitahan ng babaeng iyon. Kawawang tutoy, nanlalambot na. Pagkatapos kong ibsan ang init ng katawan sa malamig na tubig ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan kong nag-aantay sa sofa si Arc habang prenteng nanonood ng TV. “Pre, saglit lang bibihis lang ako,” sabi ko sa kanya sabay pasok sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay akma namang bubuksan ito ni Ruby. May dala siyang damit at tuwalya. “Sana pala nagsabay na tayo kanina,” bulong ko sa kanya. “Timang, may nag-aantay tayong guest oh,” sabi niya