Chapter Twenty Three Baste Anong problema ng babaeng yun? Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkatapos magmeryenda ay nagpaalam na rin si Joyce. "Mauuna na po ako tito. Salamat din sa pagpapahatid sa akin sa gwapong anak ninyo," magiliw niyang sabi. "Walang problema hija. Ikaw pa ba? Dumalaw ka lang," tugon ng erpat ko. Sa totoo lang ay mabait sa lahat ang erpat ko. Wala siyang anak na babae kaya magiliw siyang nakakita ng babae ditto na namimili ng pagkain, nag-aayos, nagsusungit sa mga nakikitang kalat at maasikaso. Hindi ko alam kung bakit pabalik balik pa rin siya dito. May iba nang laman ang puso ko kaya okay na ako. Wala namang masama kung ihatid ko lang siya. Pinaandar ko na ang motor at umangkas na rin siya. Nagpaalam na kami kay erpats. Wala akong kibo habang