Chapter Twenty Five Ruby “Sa akin ka lang makikipag-usap kasi sa akin ka lang. Huwag matigas ang ulo mo,” sinigawan niya ako. OOOWWW. How sweet of you my Baste to tell me this. I am starting to be annoyed by your tone but I just can’t hate you dahil sobrang love lang talaga kita. Patience is a virtue kaya pagtityagaan ko ang iyong pagiging masungit na nangyayari na lang pabigla bigla. Maraming hitad ang nag-aabang diyan once na bitawan kita ano. Kaya hanggat maaari ay I need to protect you from them. Pinaandar na niya ang tricycle at sumakay na rin ako. Medyo marami kaming dala dahil sa mga paper bags na pinamili ko. Ang hirap niyang piloting bilhan ng damit dahil nag-iinarte siya. Pero sa huli ay nagwagi pa rin ang pagiging mapilit ko. Dumaan pa kami sa bilihan ng karne at bumaba