Chapter Twenty Six Ruby After reading the text messages from my mother, I started to be so bothered of the possibilities in this life. Possible kayang mangyaring muli ang ayaw mangyari ni Baste? Ang kinatatakot ko na mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon ay maaaring mangyari sa isang iglap lang. Tinitigan ko ang lalaking nasa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang mga kamay. “Sobrang mahal na kita. Alam mo ba yun ha?” sabi ko sa kanya. Alam kong hindi siya sasagot kaya niyakap ko na lang siya. Nagising naman siya ngunit hindi na nag-abala pang magsalita. Niyakap niya ako ng mahigpit at nakatulog ako sa mahihigpit niyang yakap na iyon. 5:00 A.M. I set my alarm at 5:00 A.M. I decided na maunang bumangon para matulung