"KUNG galit ka sa akin, Sir, bakit kailangang idamay mo ang mga tauhan ko? Galit? For what, Sir? Sabihin mo?!" malakas na sabi ni Whitney. Dahil nang nakasigurado siya sa nais malaman ay umalis siya sa silid kung saan siya itinago ng director kaysa itawag sa pamilya niya. "Madam Aguillar, dahan-dahan lang. Kahit ano pa ang nangyari ay boss pa rin natin ang iyong kaharap." Pag-awat sa kaniya ng kapwa FBI. "And? Ano naman kung director ang kaharap ko? Bakit Diyos ba siya? I don't care!" Binalingan na nga niya ang pumigil sa kaniya ay binulyawan pa. "Ngayon, Sir, ipaliwanag mo sa akin ang dahilan kung bakit naulit ang kahapon sa South Carolina. Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas at nakalimutan ko na ang nangyari sa Baghdad Iraq. Subalit dahil naulit ito sa SC ay namumbalik din iyon