"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, wifey? May gusto ka bang kainin o kahit inumin man lang?" kaagad na tanong ni Patrick Niel sa asawa ng imulat nito ang mga mata. Kaso napaubo naman siya sa isinagot nito. "Ikaw na lampa ka, aba'y maari bang magalit ka naman kahit paminsan-minsan? Hah! Itinago ko ng mahigit sampung taon ang pananatili ko sa FBI ngunit wala ka man lang masabi kundi kumusta ako?" taas-kilay nitong sabi saka akmang babangun. "Wifey, kung magagalit ba ako sa iyo ay maibabalik ba ang kahapon o ang nangyari sa iyo sa South Carolina? Kapag sasalubungin ko ba ang bawat galit mo ay may patutunguhan ba ang buhay natin? Wala, diba? Ganoon kita kamahal, wifey. Love is give and take," malambing niyang sambit. Kaso! "HAH! Ang mga leona ang nagkaamoyan, Patrick Niel anak. Ang sabi ng h