CHAPTER THIRTY-SIX

1653 Words
"BAKIT mo ginawa iyon, Jones? Mga alagad tayo ng batas oo. Alam iyan ng lahat pero hindi na natin kailangang magpakabayani pa," ani Whitney sa tauhang tinutukan ng baril habang nasa loob sila ng sasakyan at bago ma-trapped sa disyerto dahil sa makapal na buhangin. Ngunit iyon din naman ang naging pinakamalai nilang sandata. "Hindi kabayanihan ang tawag doon, Ma'am Harden. Ginawa ko lang din ang tungkulin ko bilang isang membro ng FBI Department. Kung hindi ko sinabayan su Hussain, hanggang ngayon ay hindi natin alam na siya ang traydor sa grupo natin. Kung namatay man ako sa along the process, atleast masasabi kong malinis ang aking pagkatao na lilisan. Subalit ikaw na rin ang nakatuklas sa katauhan ni Hussain Abdulrahman." Sugatan na nga subalit nakuha pa ang ngumiti sa virgin bride habang nagpapaliwanag. "Pero sa katunayan, bro. Wala kaming kaalam-alam na kumilos ka pala. Paano kung talagang napahamak ka? Tapos saka pa namin malaman na ikaw ang may malinis na intensiyon? I was totally shocked, brother." Hindi rin nakatiis ang isa kaya't sumabad. "We are under FBI Department together, Brother William. Kung hindi ako nagkakamali ay nagsimula tayong lahat noong nasa twenties. Superior na natin si Ma'am Harden simula noon. Nandiyan man siya o wala ay nagtatrabaho tayo. Ilang buwan siyang nawala dahil nagpaiwan sa Saudi Arabia ay ganoon din. Sa tagal ba ng pinagsamahan nating lahat ay hindi n'yo pa kilala ang isa't isa. Iyan ang sagot ko mga brothers," paliwanag ni Jones habang inaayos ang benda ng paa o ang nadaplisan ng bala galing sa tunay na traydor. Samantalang lihim na napapangiti si Whitney dahil sa pahayag ng isang tauhan. Tama naman ito. Kamuntikan niya itong mabaril dahil kinulang sa tiwala rito. "Still, I need to lower myself by asking your forgiveness, Jones. I hit you by pulling my gun to you as I grabbed your uniforms collar. Forgive me for being impudent, brother," aniya saka tinapik-tapik sa balikat. "Maaring hindi lahat, Ma'am Harden. Pero aminin man nating lahat including our fallen comrades, sa iyo namin natutunan kung ano mayroon kami ngayon. Kaya't may hihilingin din sana ako sa iyo, Ma'am. You are our superior even you're our sniper. Never and ever lower yourself to anyone of us. Lahat tayo ay nagkakamali, Ma'am. So, you are forgiven---" Kaso! "Be ready, guys! They are moving suspiciously!" "Ma'am Harden, go and take over the sniper place! Just punis me later by my command for now." "Jones, kaya mo pa ba? Dahil kung okay lang pumuwesto ka na rin." Mga ilang salitang pumutol sa pananalita ni Jones. Kaya naman ay para silang sinilihan sa puwet! Nagkanya-kanyang puwesto. Dahil totoo namang may mga papalapit na grupo ng arabong rebelde. SAMANTALA sa labas ng abandonadong building. "Sigurado ka bang nandito sila?" "Yes, boss. Dahil wala namang ibang maaring puntahan ang dadaan dito." "Okay, dito ka muna at aming pasukin ang building. Malaki ang kasalanan ng mga kanong iyan sa bansa natin." Aalis na sana ang isang lalaki o ang tinawag na boss ngunit muling hinarang ng nagsumbong. "Ah, boss, nasaan ang pabuya ko? Ang ipinangako ninyo kung sino ang makapagsabi kung nasaan sila." Kaso ang boss ay napahalakhak lamang. At bago pa nila mahulaan kung ano ang dahilan kung bakit napabunghalit ito sa pagtawa ay walang-awa na nitong binaril ang lalaki sa pagitan ng mga mata. Tuloy! Dead on the spot! "Pwe! Mukhang pera!" Pinatay na nga ang kaawa-awang nilalang ay dinuraan pa ito at sinipa. "Sigurado akong nandito sila. Kaya't palibutan ninyo ang buong paligid. Kailangan nating mabawi si Hussain sa kanila. Dahil ito rin ang susi sa ating tagumpay," muli ay pahayag ng boss. Hindi lang iyon, iginala pa ang paningin. 'Kahit saan kayo magtagong mga daga ay hahanapin ko pa rin kayo. This country belongs to us not to any of you, Americans!' Ngitngit ni Boss Ali. SA kinaroroonan nina Whitney Pearl at ilang survivors sa grupo nila. "Sa dinami-rami ng giyerang napuntahan natin. Tuwing napapabilang tayo sa United Nation's group ay dito na yata ang pinaka-racist. Nasa entrance pa yata tayo ng bansa ay tinambangan na tayo. Pagpasok dito sa West hinarang sa check point at ngayon naman ay pinatay ang nagsumbong na nandito tayo. Mga tao pa ba sila o hayop na nagkatawang-tao?!" Ngitngit ni Whitney na nakalimutang nakasuot na naman sila ng headset. "Kahit saan kahit kailan, Ma'am Harden, ay mayroong ganyan. May Hussain nga sa grupo natin na walang mag-aakalang magagawa niya iyon," ani ng nasa computer. Alam lang naman nila ang iniikutan dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya. Kung nagkataon sigurong wala silang gadget ay baka noong nasa check point pa lang sila ay nahuli na at pinagpistahan ng mga wild animals. "Guys! Pinaikutan na nila ang buong building! F*ck! Mukhang ayaw talaga nila tayong tanta---" "Wait! Patay na ba ang gag*ng iyon o humihinga pa at taga-bigay ng dereksyon at report sa kalaban?" Pamumutol ni Whitney sa pagbigay ng babala sana ng computer man. "Tracking device! Tama! Check n'yo ang earpiece ng hay*p na iyon baka may device---" Subalit huli na para sa bagay na iyon. Dahil nagsimula ng magpaulan ng bala ang mga kalaban nila. Kaya naman ay hindi na nagsalita si Whitney bagkus ay inasinta ang sniper gun. "Ayaw n'yo kaming tantanan hah, sige! Ubusan ng lahi kung iyan ang gusto ninyo!" sambit ni Leona saka kinalabit ang isang arabong nagpipilit buksan amg nakaharang aa pintuan. "Bullseye!" At sinunod, sunod-sunod ang pagkasa sa sniper gun at pagkalabit. "To avoid running out of ammunition, use one bullet with one person. Siguraduhin n'yong sure hits ang tama. Alam ko namang alam n'yo iyan." Abalang-abala man siya dahil sa pagbabaril sa bagong set ng mga demonyo sa lupa ay nagawa pa rin niyang napaalalahanan ang mga kasamahan. DOWN the building! "B*tches! Hanapin ninyo ang sniper nila! Siguradong ito ang umuubos sa mga kasamahan natin!" Muli ay mando ng boss. 'Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na iyon kanina pa?' Ngitngit niya. Dahil mukhang underestimated niya ang bagong grupo na ipinadala ng United Nation samantalang dati-rati namang may sniper ang grupong dumarating. "Boss, may dalawa silang sniper. Kaya't mahirap---" 'Mahirap tukuyin kung nasaan.' Nais pa sanang sabihin ng isa kaso natumba na! Another down! "SIGE magmatigas kayo at tingnan natin kung hanggang saan kayo pupulutin! Wala naman kaming ibang intensiyon kundi ang tumulong! Damn you, Arabs!" bulong ni Whitney. Aasintahin na nga sana niyang muli ang sniper gun pero napatigil dahil biglang nawala ang kaniyang target. "William, bakit nawala ang target?" pabulong niyang tanong. Dahil kahit ano man ang gawin niya ay hindi niya makita ang boss ng mga demonyong arabo. "Nawala ang satellite catcher, Ma'am. Biglang nag-black out ang computer," tugon nito. "F*ck!" Dahil sa narinig ay napamura siya. 'BOSSING, maari po bang ibalato mo na lang sa amin ang makaalis sa bahaging ito ng disyertong ito? Maganda naman ang aming layunin, AMA. Kaya't maari po bang pagbigyan mo kaming lahat, AMA?' patanong niyang sambit sa kaniyang isipan. Kaso! Mayroong matigas ba bakal ang dumampi sa kaniyang likuran! At sa kaniyang pagkabigla ay basta na lamang niyang ibinaligtad ang katawan at mabilis na sinipa ang poncio pilatong nanutok sa kaniya. Hindi lang iyon, nakipag-duwelo pa siya ng wala sa oras. "Magaling! Magaling! Kaso hindi ikaw ang taong magpapataob sa akin! Mukhang wala ng ibang maipadala abg America ah. Isang babae ang sniper? Hmmm... That is something differently," patuya nitong sabi saka sumenyas sa mga kasamahang binihag ang kasamahan. "Boss, thank you for coming. Still, she is a woman but a fearful enough not to be taken lightly," pahayag ni Hussain saka paika-ikang lumapit sa tunay na amo. "Sabi ko namang hindi kita pababayaan, Hussain. Dahil isa ka sa amin---" "Tama lang pala ang ginawa namin sa iyo sa disyerto, Hussain Abdulrahman. Ah, mali pala. Dapat pala ay tinuluyan kita. Ngunit dahil hindi kami kasing racist ng lahi ninyong arabo ay binuhay kita." Kung nakakamatay lang siguro ang paraan ng pagtingin ni Whitney sa kasamahan ay matagal na itong bumulagta. "Madam Aguillar, tanggapin mo na lang kasi na hindi sa lahat ng oras ay successful ka. Maaring pinagpala ka sa maraming bagay ngunit huwag mo kaming maliiting arabo---" "Gag*! Kailanman ay hindi ko ugaling mang-alipusta ng tao! Arabo kako! Dahil maganda ang intensiyon naming pumarito o ang misyon na ito! Ikaw ang hindi yata nakakakilala sa amin ng mga kasamahan natin. Dahil ikaw mismo ang nagkanulo at naging dahilan nang pagkamatay ng marami mong comrades!" Patuya at galit na saad ni Whitney Pearl. Ayaw na ayaw niyang gamitin ang option na iyon. Pero wala na siyang choice dahil sila ang matusta oras na mag-inarte pa. Kaya't napatingin siya sa lima niyang tauhan na wari'y sisiw na tinuka ng agila. "Madam Aguillar, alam namin ang iniisip mo. Ngunit kailangan mong mabuhay. Hindi namin pinagsisihan na mawala sa mundong ito---" "Shut up, Jones! Ihanda mo ang iyong sarili dahil lahat tayong walong survivors ay makakaligtas. Just be ready!" Pamumutol niya rito. "Ikaw ang pinakamagandang superior sa balat ng lupa, Madam Aguillar. Hindi lang tauhan ang turing mo sa amin kundi pamilya. Kaya't kahit bangkay lang namin ang uuwi sa aming pamilya ay matutuwa pa sila dahil sa battlefield kami na---" 'Mga hay*p na ito! Kamatayan agad-agad ang iniisip! No way! Tama na ang natumba sa buhanginan. Hindi ako papayag na may malalagas pa sa inyo!' Lihim siyang napangitngit dahil dito. But! "What's happening here? Hussain! Ano ang ibig sabihin nito?" maang na tanong ni Boss Ali dahil basta na lamang nagkaroon ng masamang amoy at gumiwang-giwang ang building na kinaroroonan nila. Sinamantala naman iyon ni Whitney. Siniko at sinipa patalikod ang arabong walang bayag. Hindi lang iyon, sinampulan pa niya ang mga ito ng bala! Kahit ang traydor ay nakatikim sa wakas ng bala mula sa kaniya. "Buhatin ninyo si Jones! Kailangan nating makalayo sa lugar na ito. Move!" sigaw niya saka muling dinampot ang sniper gun. Sa isipan niya ay kailangang may alternatibong paraan. Hanggang sa napangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD