CHAPTER THIRTY-FIVE

1731 Words
"TUMAWAG na ba ang asawa mo, apo ko?" tanong ni Grandpa Art sa apo na ikinasal ilang araw ang nakalipas. Kaso muling nagkahiwalay kahit pa sa tawag ng tungkulin. "Wala pa po, Grandpa. Ang huli niyang message ay iyong papunta sila ng airport bound to Baghdad---" Subalit bago pa matapos ni Patrick Niel ang pananalita ay biglang sumulpot ang abuela at nagwika. "Ibig mong sabihin ay deployed siya at sa Iraq? Maari bang piliin ngayon kung saan mapunta?" seryoso nitong saad kaso napangiti sa muling bahagi ng pahayag. "Kidding aside, apo ko. Mukhang hindi ka mapakali. Kung hindi pa siya nakatawag sa iyo ay lumipat ka sa kabila o sa mga biyanan mo. Doon ka sa kanila makibalita kung kumusta na ba ang asawa mo," agad nitong wika. Maaring iniisip nitong may masabi siya dahil sa pagngiti nito. Kaya't naging maagap. "Opo, Grandma---" Muli ay hindi natapos ni Patrick Niel ang sinasabi dahil eksakto namang bumaba ang kapatid niyang running for promotion as Major General. "Ops, sorry na, twin brother. Mukhang naudlot pa ang kuwentuhan ninyo. Pero may sasabihin din ako sa iyo dahil naulinigan ko ang usapan ninyo nina Grandpa at Grandma. Kung ako sa iyo, international news ang panoorin mo. Dahil deployed si hipag sa Baghdad Iraq. Ibig sabihin ay may pag-asang makasagap ka ng balita sa kaguluhan doon. Sabi mo nga ay sniper siya. Ibig sabihin ay giyera ang pinuntahan. Kaya't sigurado na ipalabas nila iyan sa international." Ayon! Napatula ang MG in the future! Subalit dahil sa tinuran nito ay muling napangiti ang kanilang abuela. Actually, napahalakhak ito. Hindi pa nakuntento dahil imenuwestra pa ang nga braso. "You are indeed a military officer, apo ko. Tama nga naman. Ngunit walang nakaisip sa bagay na iyan." "Niel apo ko, go and open the television like what your twin brothers suggested. Malay natin, baka o kalabaw sa palayan. May malalaman---" Kaso! "IKAW Sablay Dulay ka, ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Hah! Sabihin mo lang kung pinagtatawanan mo ako at layasan kita ngayon din! Tandaan mong marami tayong mga anak at apo na maari kong puntahan!" Boom, panis! Ang seryosong pananalita ni Grandma Lampa ay nauwi sa pag-angil at pagtaas kilay sa asawa! "Hanep si Grandma. Ako na po ang magpaliwanag. Paano po kasi kami hindi mapapatawa eh nakasali ang mga baka at kalabaw sa palayan ni Lola Cora." Maagap na pagitna ni Niel. Dahil ang kambal niya namamatay-matay sa pagtawa. "Patrick Niel apo ko, halika rito kay Grandpa. Even you, Vince Ethan." Nakangiting pinagpag ni Retired General Aguillar ang katabing sofa tanda lamang na pinapaupo ang mga apo. Kaagad namang naupo ang kambal sa magkabilang panig nito o mas tamang sabihing pinagitnaan nilang dalawa ang mga ninuno. Then... "Alam n'yo bang kaya kami tumagal ng ganito ng Grandma ninyo? Dahil iyan sa give and take namin. At isa pa, sa ganyang ugali ko siya nakilala. Patrick Niel apo, lalo na sa iyo dahil may asawa ka. Leona ang tawag mo sa kaniya at Lampang Lalaki. Like me and your grandma. Lampa ang tawag ko sa kaniya at Sablay Dulay naman sa akin. Ang kambal mo ang iyong tinutukso noon pero sa iyo naman kumagat. Nauunawaan at nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin, apo?" "Same as you, Vince Ethan apo ko. Maaring hindi pa kayo ikinasal ni Maria Theressa ngunit doon din ang tungo ninyo. Lagi ninyong tandaan na ang isang relasyon ay hindi puro pasarap. Kumagat agad-agad iyan sa kambal mo. Supposedly, nasa honeymoon stage pa sila ng hipag mo. Ngunit dahil sa tawag ng tungkulin ay magkahiwalay silang mag-asawa. Kagaya rin ninyo ni Ma Theressa. Simula noong nagkaayos sila ng Mommy niya ay sa Germany na nakatira samantalang ikaw ay dito sa Baguio." Sa mahaba-habang pahayag ng kanilang abuelo ay mayroong tumatak sa isipan ni Patrick Niel. Tiwala. Kailangan niyang magtiwala sa asawa niya kahit ano man ang tawagan nilang dalawa. Kaso! "DAHIL papasok pa ako sa trabaho bago ako sibakin ni General De Luna ay ako na muna ang sasagot. Opo, Grandpa, Grandma. Mahirap man po ang magsalita ng patapos ngunit sigurado po ako sa aking sarili. Walang pagmamahal kung walang tiwala and vice versa, walang tiwala kung hindi mo tunay na mahal ang isang tao. Ngayong nasagot ko na po ay magpapaalam na po ako pansamatala. May meeting kami kay Sir General. See you this afternoon." Matapos niyang magsalita ay tumayo si Vince Ethan saka hinagkan sa noo ang mga ninuno. "Leona iyon, twin brother. Bihira ang babaeng sniper. Pero kagaya ng kuwento ninyo ay kaya siya napapadpad sa Saudi Arabia dahil sa pagiging escort ng kapwa opisyal. Ibig sabihin ay matalino siyang tao. Trust her. Dahil siguradong may dahilan kung bakit hindi pa tumatawag. Oh, napahaba na naman ang speeches ko. Mauna na ako sa inyo." Hindi na nga nito hinintay na may makasagot sa kanila. Dahil wala namang ibang pupuntahan Si Patrick Niel ay nakipagkuwentuhan na lamang siya sa mga ninuno. Sa kaniyang isipan ay ibang oras na lamang siya dadalaw sa mga biyanan. BAGHDAD IRAQ (tagalog na lang mahirap gamiting medium ang arabic) Huli na upang umiwas sa patibong na ihinanda ng mga rebeldeng arabo sa naturang bansa. Kaya't imbes na bumalik sila sa airport kung saan sila maaring makabalik sa Los Angeles ay ang military detachment ang pinuntirya. "Nasaan ang mga kano?!" malakas na tanong ni Ali. Kaso mas nagalit siya dahil walang sumagot sa mga ito. "Ano ba?! Maaring sumagot kayong lahat? Hah! Ang lalakas ng loob ninyong magsabing kayo ang haharap sa mga iyon tapos ngayon ay wala naman pala kayong binatbat? Huwag n'yong sabihing natalasan kayo sa sariling bansa?!" muli niyang sabi sa mabalasik na boses. "Walang nakakaalam kung buhay pa sila o hindi, Boss Ali. Dahil noong hinarang namin sila at tinambangan ang sasakyan ay sinundan ng buhangin. Yes, boss. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalamang nagkaroon ng sandstorm." Nanginginig man subalit nagawa pa rin ng isa na nagpaliwanag. Kaso! "At kailan pa tayo natakot sa buhangin. Abdul?! Huwag mong kalimutang nga arabo tayo! Ibig sabihin ay nasa disyerto tayo ng mga arabong tulad natin! Atin ang bansang ito hindi para sa mga dayuhang tulad nila. Nauunawaan mo ba?! Hala! Magsilayas kayong lahat sa harapan ko! Bumalik kayo kung n'yo sila tinambangan baka nandoon pa sila---Saglit lang, nasaan ang espiya natin? Ni Hussain? Nasaan? Huwag n'yong sabihing hinayaan n'yo siyang nasama sa buhanginan?!" Ayon! Bahagya na ngang kumalma subalit sa pagkaalala sa asset nila sa grupong pilit nakikipag-peace talk ta bansa nila ay nanumbalik ang galit sa boses. Subalit naging maagap din ang mga tauhan. Maaring tuluyang natakot sa kaniya kaya't nagmadaling nagpaalam upang balikan ang mga lintik na kanong ayaw magpadaig sa labas ng puwersa nila. 'Ngunit sabagay, hindi lang kayo ang grupong sumubok na makipagnegosasyon sa amin dito. Pumarito kayo sa kabila ng katotohanang walang nagtagumpay at nakauwing buhay sa pinanggalingan ninyong bansa!' Ilang sandali pa ay aniya ni Ali sa kaniyang isipan. Ang tanong! Nasaan nga ba ang grupo ni leona? "WHERE are you heading, men?" tanong ng isang guwardiya sa check point na nadaanan nila. "To the North, Sir. Can we ask for your guidance, Sir? We have wounded companions, and he needs to be treated," tugon ng driver. "Okay, go ahead. But before that, are you a member of those United Nations who are helping our country?" tanong nitong muli. Kaya't nakaramdam ng inis ang nagmistulang lalaki na si Whitney. Siya ang nasa drivers seat dahil totoo namang sugatan ang nasa tabi niya. Subalit ang gag*ng traydor ang maging susi nila upang makalapit sa autoridad. 'Relax, Mrs Aguillar. Ikaw ang pinaka-suitable na maging peace maker sa grupo natin. Kaya't hayaan mo siyang nagtanong nang magtanong.' Tinig na nagmula sa kaniyang ear peace. Sa bilang nilang biyenty ay walo na lamang sila. Dahil ang nasa isang sasakyan ay wiped out lahat dahil sa lintik na traydor. Kung hindi nga lang nila ito kailangan ay baka inilibing niya itong buhay sa disyerto lalo nang umulan ng makapal na buhangin! 'Murder iyan, Madam Aguillar. Aba'y mga kalaban ang kailangan natin patayin. Hindi ---saka na lang nating isipin iyan, Madam. Abay mukhang naiinip na ang arabong iyan.' Isa pang tinig ang nang-asar sa kaniya subalit warning din naman. Dahil sa mga guards na nakatuka sa check points. "Yes, Sir. We are part of a United Nation's group. But due to the heavy pour of storms when we were on our way, we were late." Muli ay iniba ni Whitney ang boses. And yes, it is! All of them are in proper wear as men. They FBI's but due to the strict circumstances of the country where they are at the present, they need to be prudent. 'F*ck! Ganito ba nila tratuhin ang mga babae rito? Tang●na eh!' Ngitngit na ngitngit siya dahil habang kausap ang guwardiya ay nagmasid-masid din siya. May ilang babaeng harap-harapang hinihila ng mga lalaki. Asawa man nila o hindi ay kitang-kita niya kung paano magmakaawa ang mga itong huwag silang saktan. 'Huwag! Parang-awa mo na, Abdul. Anak mo ang batang nasa sinapupunan ko. Bakit mo ba ako pinagduduhan.' "Aso! Isa kang aso, Nora! May asawa kang tao pero nakikipag-usap ka pa iba! Magaling ba siyang mangromansa kaysa sa akin? Sumagot ka! Ano ang akala mo sa tulad ko, sira-ulong kagaya mo at ang lalaki mo? Hay*p kayong dalawa!' Mga ilan lamang sa salitang narinig niya. Ngunit ang senaryo ay talaga namang hindi kaaya-aya. Kaunting-kaunti na lamang ay huhulagpos na ang kaniyang pasensiya. Kaso! May nakakuha ng kaniyang atensiyon. May dalawang tao na sumisenyas sa gawi nila. 'Huwag mong patulan, Madam Aguillar. Kitang-kita namin sa computer. Ngunit hindi natin alam kung isa na naman iyan sa kanilang patibong.' Babala sa kaniya ng ibang mga tauhan. "Okay, you may go now---" "Sir, wait! Sir, ang sabi ni boss Ali, harangan n'yo raw ang kahit sinong papasok dito sa West check point. Dahil---" Kung pinutol ng basta lumapit sa kinaroroonan nila ang pananalita ng guwardiya ay ganoon din ang ginawa ni Whitney! Due to high technology and the help of their computer, they can understand the language that those madmen are using. Kaya't bago pa sila balingang muli ng guwardiya ay pinaharuthot na niya ang sasakyan! 'Sige, humabol kayo hangga't gusto n'yo nga arabong walang bayag! Mga hay*p!' Ngitngit niya habang naka-pukos sa pagmamaneho palayo sa mga arabong hindi malaman kung tunay na rebelde o mga nagrerebelde laban sa pamahalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD