CHAPTER THIRTY-FOUR

1066 Words
NGUNIT ang buhay ay hindi laging nasusunod ang inaakala natin. Kagaya sa buhay ni Leona. Isa siyang Supervisory Special Agent sa FBI ngunit dahil siya ang sniper sa kanilang team ay kasali pa rin siya sa mga giyera. Oo! Isa siya sa mga newly deployed sa Baghdad Iraq as the sniper of their unit. "Mukhang baliktad na ngayon ang mundo, Ma'am Harden?" pukaw sa kaniya ng kapwa deployed sa naturang misyon. "Ikaw naman, brother. Halos mabingi nga tayo noong sumigaw sa telepono na araw daw na naging Mrs Aguillar pero dinisturbo. Ngunit Miss Harden ka pa rin." Pagitna naman ng isa pa niyang tauhan. Kaya naman ay bahagyang napangiti si Leona. Kahit kailan kung kasutilan din ang pag-uusapan. Hindi patatalo ang mga tauhan niya. "Okay lang mga brothers. Maari n'yo pa rin akong tawagin sa paraang nakasanayan ninyo. Our boss? Huwag n'yo ng alalahanin iyon. Kahit siguro sigawan ko ay nakangiti pa rin. By the way, nasaan na ba tayo?" patanong niyang sagot. Kaso! Bago pa may makasagot sa kaniya ay nagmistula silang pagkain na nagkumpulan sa loob ng sasakyan! Dahil na rin sa parang may nabangga ito. "Leona! Leona!" tawag sa kaniya ng nasa radio. Code name niya iyon sa sniper unit! Kapag tinawag siya sa ganoong pangalan ay siguradong may emergency! "Leona on the line. What is it?" "Prepare your men there! We are under attack---" Maaring hindi pa ito tapos magsalita dahil halata namang mayroon pang idagdag. Ngunit sa pamamagitan ng radio niya ay dinig na dinig nila ang malakas na pagsabog. "Tang*na naman eh! Mukhang mapapalaban na tayong wala sa---" Subalit kahit siya ay hindi na natapos. Dahil bigla na lamang tumigil ang sasakyang kinaroroonan. "Men, be ready. Maaring---" Nais pa nga sana niyang balaan ang mga kasamahan sa loob ng sasakyan subalit halatang pilit itong binubuksan. Kaya't imbes na magsalita pa siya ay sumenyas na lamang siyang magsipaghanda. At ang iba ay silipin ang nasa unahan o ang driver at nasa tabi nito. "Open the door, you people who doesn't belong in this country!" Dinig nilang sabi ng nasa labas. Kaya't mas nakumpirma nilang mga kalaban ang nangangalampag. "Ikaw ang sniper, Ma'am Harden, asintahin mo at bubuksan ko," saad ng isa. "Are you out of your mind? Do you think we are in our own territory?!" galit namang saad ng isa. "F*ck! Kailan ka pa natatakot sa engkuwentro, Jones? Mas mabuti na ang lumalaban kaysa ang pare-parehas na mamatay dahil walang ginawa!" angil naman ng nagsabing bubuksan nila. Kaso iba ang virgin bride. Sumenyas pa rin na silipin ang driver. Total high tech ang service nila. Maari silang lumipat sa harapan kapag may masamang nangyari sa driver na walang nakakaalam. Ang computer at radio-man nila ang kasama ng driver sa harap. 'Leona, take over the command now. We are the only survivors. Even we are stocked by those Arabs. If my intuition is correct, someone of us is a mole.' Aasintahin pa nga lamang niya ang baril ngunit kaagad napatigil dahil sa tinig na nanggaling sa earpiece niya. Kung ang bagay na iyon ay dumaan lamang sa pandinig niya ay confidential. Kaya't napaangat siya ng paningin. At bago pa nila mahulaan ang sumunod niyang kilos ay nahablot na niya ang takot buksan ang car door dahil sa pangangalampag ng nasa labas. "I knew it! D*mn you, Jones! You never be one of us! Now, open the door if you still want to reunite with comrades outside!" Kasing-bigat ng boses niya ay kulang na lamang din ay malagutan ito ng hininga. Dahil sa higpit ng kaniyang pagkahawak sa kuwelyo ng uniform nito. "What the h*ll is going, Miss Harden---" "Gag*! Huwag na huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan kong hay●p ka! Sundin mo ang utos ko baka sakaling maawa pa ako sa iyo!" Galit niyang pamumutol sa nahintatakutang kapwa alagad ng batas. Kaso mas uminit ang bumbunan niya dahil nais pa nitong kumawala sa pagkablot. "Jones! Alam naming nandiyan ka! Kabilang ka sa team ng mga kanong iyan. Kung gusto mong makita pa ang mga magulang mo ay isuko mo ang iyong mga kasamahan! Ora mismo ay makalaya ka at madala mo sila sa Turkey kung saan nababagay ang mga arabong tulad natin!" sigaw ng nangangalampag sa labas sa salitang arabo. Subalit dahil pare-parehas naman silang walang kaalam-alam sa ganoong salita ay muling nabuhay ang galit ng virgin bride. "Binanggit ng gag* sa labas ang iyong last name, tarantado. Kaya't sigurado akong nauunawaan mo ang kaniyang sinabi. Ngayon, bago ka pa mamatay sa sarili kong baril ay magsalita ka!" aniyang muli saka idiniin ang hawak-hawak na kuwarenta-singko na baril. Kaso! Ang isa niyang tauhan ay nagmana na yata sa kaniyang madaling uminit ang bumbunan! Ikinasa ang sariling baril at kinalabit ng walang pag-aalinlangan! Pinadaanan one inch from his traitor comrade ears! Ouch, sakit no'n! "Kulang ang buhay mo, gag*! Kahit ilibing ka naming buhay sa disyertong kinaroroonan natin ay hindi na nila bubuhayin ang mga magulang mo! Hay●p! Ngayon, ibigay mo sa amin ang mapa at panghawakan mong mabubuhay ka!" anitong kulang na lamang ay lamuning buhay ang traidor! Sa binitiwan nitong salita ay napabaling dito ang virgin bride. 'Kilala ko pa ba ang mga tauhan ko?' tanong niya sa kaniyang isipan. 'Hija, never show your fears and doubts to anyone. Deceive yourself for you to do it to your comrades.' Umalingawngaw pa sa isipan ang laging sinasabi ng kaniyang ama at tiyuhing general. Sa kaisipang iyon ay unti-unti niyang nabuo ang susunod na hakbang. Then... Without a warning, she kicked them both dropped to the floor of their service car. "Put a hand cuff to them, Jansen." "And you, Arthur, open the car door." "We will know right now who is the real traitor among them. Just follow me for a while." Mula sa pagsipa padapa sa dalawa ay nagmistula siyang isang mabangis na lion. Bukod sa nakaapak siya sa likod ng mga ito habang nagbigay ng utos ay dalawang kuwarenta-singko. Ang sniper gun niya ay nasa likod. "Kailangan natin ang sasakyang ito upang makapagpatuloy. Wala ng report mula sa radio-man at computer man natin. Pilitin ninyong hanapin ang mapa na tinutukoy ng isa pang hay*p na ito. Dahil iyan ang ating susi sa pag-alis sa disyertong ito. As your team leader and sniper, nauunawaan n'yo ba ako?" aniyang walang ibang mabanaag sa mukha kundi galit! Galit pero kanino? Sino nga ba ang traydor sa mga tauhan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD