"HINDI ko tuloy alam kung ano ang una kong sasabihin. Huh! Tuwang-tuwa tayong lahat dahil sa wakas ay ikinasal silang dalawa subalit. Subalit, halos hindi pa natatapos ang reception ay kailangan na nilang maghiwalay. Kahit pa sabihing call of duty," malungkot na pahayag ni General De Luna.
Mismong pamangkin ng asawa niya ang bride at anak ito ng isa sa best buddy. Ganoon din ang groom. Inaanak din niya ito lalo at anak naman ng isa sa mga matalik na kaibigan.
"Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan, Pareng Rey. Dahil kahit tumutol tayo ay sigurado namang hindi papayag ang leonang iyon. At isa pa ay narinig natin ang sinabi ni Patrick Niel," sabi naman ni Ginang Yana.
Bagay na sinigundahan din ng balae nila o ang mag-asawang Cyrus at Rowena.
"Tama kayong dalawa, Mareng Yana at Pareng Rey. Heh! Hayaan mo akong tawagin kayo sa paraang nakasanayan ko, Pareng Terrence. Pasasaan ba at masasanay rin sa balae.
Actually, hindi nalalayong mangyari iyan. Dahil ilang buwan na ring nandito sa bansa si Whitney. At isa pa, iyan ang bagay na hindi nila matatakasang mag-asawa o ang maging long distance relationship. At higit sa lahat ay bago pa sila naging mag-asawa ay mga mamamayan sila. Huwag nating kalimutang isang alagad bg batas si Whitney at kaya nila maghiwalay ng landas sa ngayon ay dahil sa tawag ng tungkulin."
Pahayag ng una at sinundan ng asawa.
"Nasabi n'yo na ang lahat mga Pare at Mare. Kaya't iba na lang ang sasabihin ko. Ang tangi nating magagawa sa ngayon ay manalangin para sa tagumpay na lakad ni Whitney. Dahil kilala natin siya. Kapag iyan ang magdemand sa amo niya ay hindi puwedeng NO ang sagot," saad nito.
Dahil dito ay hindi na napigilan ni Sister Rochelle Ann ang sumabad sa usapan ng mga elders. Yes, elders ang tawag niya sa mga ito unlike the rest na oldies.
"Para po isahang salita ay iyon po ang nararapat nating gawin, Mama, Papa at sa inyong lahat mga Tita Ninang at Tito Ninong. Prayer is the best and silent weapon," aniyang pinaglipat-lipat ang paningin sa mga ito.
Actually, half-brother niya ang groom. Pero hindi niya iyon ramdam. Dahil buong pamilya Aguillar ay tinanggap siya ng buong-buo na parang tunay na anak ng Papa Cyrus niya.
SAMANTALA paalis na nga ang leona ay hindi pa nakaligtas sa mga pinsang kapwa mainitin ang ulo.
"Paano iyan, Leona? Aba'y ikinasal ka nga pero wala namang honeymoon. Kailan mo ipagbubuntis ang magiging tagapagmana mong leona?" mapang-asar na saad ni Janellah. Kaso bahagya naman itong siniko ng asawa.
"My love, paalis na nga si hipag eh, ginagatungan mo pa. Maari bang best of luck na lang?" Bahagya pa nga nitong nilingon ang nanunuksong asawa.
"Aba'y, mukhang hindi ka pa nasanay sa asawa mong Kaskasera the second, bayaw? Iyan, may sasabihing matino? Naku, bayaw. Kapag hindi kilala ang ma-timingan niyan ay siguradong iiyak."
Idinaan lang naman ni Whitney sa tawa ang sinabi. Dahil kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng asawa.
"Tsk! Tsk! Nagsalita ang hindi sutil. Diba't ikaw ang nagpauso sa mga ganyang tawag? Well..." Pang-aasar pa lalo ni Janellah.
Tuloy!
Napahagikhik ang pinsan ng bride sa kaniyang ama. Hindi lang iyon, binalingan pa nito ang double bayaw o si Patrick Niel.
"Double bayaw, aba'y totoo naman kasi ang tinuran ni Sis Janellah ah. Dapat pinunlahan mo muna itong leona mong asawa bago lilipad patungong LA mamaya. Who knows malupit ang hagupit mo at magbunga agad-agad. Eh, 'di may baon ang leona," anito.
Subalit dahil na rin dito ay napahalakhak silang lahat. Ang Kaskasera the second at wild tigress ay walang preno ang mga labi kung magsalita sa harapan ng kani-kanilang asawa.
DAHIL ayaw din ni Patrick Niel na maging katawa-tawa silang mag-asawa. Lalo at talaga namang paalis ang mahal niyang Leona ay hinawakan niya ang palad nito saka bahagyang pinisil-pisil.
"Para isahan ay mga hipag at sa inyong nandito. Makapaghintay kaming dalawa. Dahil sigurado akong may ibang plano ang DIYOS kung bakit kailangan naming maghiwalay ngayong araw. Kahit pa sabihing tawag ng tungkulin.
Kilala n'yo naman siguro ang asawa ko. Kung gaano niya kamahal ang kaniyang trabaho sa Los Angeles. Kung maari nga lamg niyang tulungan lahat ang mga nangangailangan ay gagawin niya."
"Leona ko, alam ko namang alam mong nagkakatuwaan kayo ng mga hipag ko. Ngunit ito ang tandaan mo, bago pa man tayo maging mag-asawa ay mayroon kang tungkulin sa bayan na kailangan mong gampanan. Kagaya nang sinabi ko kaninang tumawag sng boss mo ay kung ang pagkaudlot ng honeymoon natin ang siyang makapagligtas sa mga tao ay taos-puso kitang pinapayagan. Right time for us will always be at the corner."
Kaso!
Sa tinuran niyang iyon ay mas nagmistulang palaka ang mga hipag niya!
Aba'y maingay na ang bunso niyang kapatid pero tinalo ng dalawang kaharap dahil napatili ang mga ito.
Tuloy!
"Aries Dale, halika na rito. Aba'y nabibingi na ang eardrums ko sa pagtili nila. Hah! Maano bang sabihin nila in a simplest way na good luck sana magtagumpay kayo ng grupo mo. Aysus, ang ingay na nga ng banda ay nakikidagdag pa sila."
Nakasimangot na binalingan ni Lewis Roy ang kaedarang pamangkin at hindi hinintay na makasagot ito. Bagkus ay hinila ito palayo sa mga gurang kung tawagin!
Kaso mas nag-ingay naman ang mga ito. Well, they all know the youngest member of the Harden's. Ayaw na ayaw sa maingay. Kung hindi nga lang siguro membro ng pamilya ay hindi dumalo sa kasal!
LATER that night...
"Mag-ingat ka roon, leona ko," masuyong saad ni Patrick Niel sa asawang ihinatid sa paliparan ng Baguio.
Gusto nga sanang ipagamit ng mga De Janeiro ang kanilang private plane na ginamit sa pagpunta sa bansa dahil sa pagdalo sa kasal. Ngunit malugod nila itong tinanggihan. Dahil na rin sa pagmamadali ng virgin bride na Leona.
"Ikaw din dito, hubby. Alam kong nagpapakatatag ka lang kanina sa harapan ng lahat. Hindi ko man masabing huwag kang mag-alala dahil hindi natin hawak-hawak ang mga pangyayari. Ngunit lagi mong tandaan na mahal na mahal kita."
Ngumiti naman si Whitney Pearl saka tumingkayad at kusang inabot ang labi ng asawa. Kahit papaano ay may pakunsuwelo itong maiiwan sa araw mismo ng kanilang pag-iisang dibdib.
Sa kaniyang isipan ay gagawin din niya ang lahat. Mag-asawa na sila kaya't madali na niya itong ma-pitisyunan. Sigurado namang sasang-ayon ito sa suggestion niyang sa Los Angeles sila maninirahan.
"Ako ang magsasabing wala kang dapat ibang alalahanin kundi ang kaligtasan mo habang naroon ka sa misyon ninyo, asawa ko. Dahil marami kaming nandito samantalang kahit mapangalagaan mo ang iyong sarili. Ngunit wala kang ibang kasama," tugon ni Patrick Niel.
Malungkot siya oo dahil aalis ang mahal na asawa sa mismong araw ng kasal nila. Subalit iyon ay personal na damdamin. Masaya at proud siya bilang asawa ng respetadong lawyer at opisyal ng FBI. Kaya't susuportahan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.
Then...
Muli silang nagyakapan at naghalikan sa mismong harapan ng paliparan.
"Sige na, wifey. Pasok ka na baka ikaw na lang ang hinihintay ng eroplano." Nakuha pang biniro ni Patrick Niel ang asawa.
"May oras pa, lampa ko. Kaya't ikaw na ang mauna. Dahil kapag papasok na ako ay hindi na ako lilingon pa. Pero kung ikaw ang mauna ay mapanood ko pa ang pagbalik mo sa sasakyan," tugon nito.
Kaya naman ay muli niya itong niyakap at kinintalan sa labi ng halik. Agad naman niya kasing nakuha ang ibig nitong sabihin. Siya na nga ang naunang bumalik sa sasakyan. Binusinahan pa nga niya ito bago tuluyang bumiyahe pabalik sa tahanan ng mga biyanan.
'I'll be missing you, lampa ko. Ibang-iba na talaga ang pakiramdam ng may maiiwan maliban sa mga magulang ko,' bulong niya bago pumasok.
Hindi nga niya naramdaman ang damdaming iyon noong hindi pa niya nalaman ang katotohanan sa pagitan nilang mag-asawa.
Ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa mga bagong kasal na tulad nila?