Hindi na muna namin pinag-usapan ni Grant ang nabasa namin at hiniram ko muna ang notebook kay Philip para pag-aralan ito. Alam kong marami pang nakasulat doon na pwede kong gamitin laban sa kanila. Hindi na muna kami nagkikibuan ni Grant dahil sinabi ko sa kanya na tutuloy ako sa kung saan ang nakasulat na address. Walang makakapigil sa akin dahil I am unstoppable. Habang binabasa ko ito, may biglang nahulog galing doon at isa - isa kong pinulot at binasa ito. Mga litrato ng mag-asawa at isang babae. Sa likod nito ay may mga nakasulat rin. Ang tatlong litrato ay ang mga magulang ni Philip, Josef at Misa. Tapos ang nag-iisang babae naman ay kay Dexx. Kamukhang-kamukha nila ang mga magulang nila. Habang binabasa ko ang lahat ng laman nito ay may natuklasan akong isang sikreto na pwe

