Sa Condo na muna ako tumuloy at napapansin kong may kakaibang kinikilos si Mae pagdating ko, ay abala siya sa pagtingin sa mga papeles ko at ng makita ko siya ay parang binuhusan ng suka ang kanyangmukha dahil sa pagkagulat. "Ate, b-bakit ka po nandito?" tanong niya sa akin at ginala ko ang tingin ko sa aking kwarto. Bukas ang mga tukador ng cabinet ko at nakalabas ang mga papel dito. Doon ko tinatago ang mga profit ng kompanya namin ni Grant at pinakikialaman ni Mae ito. "Kasama ba sa trabaho mo ang pakialaman ang mga gamit ko?" tanong ko sa kanya na may awtoridad. Humalukipkip ako at tinitigan ko siya ng matagal dahil wala siyang masabi sa tanong ko. Isa-isa niyang binalik ang mga gamit ko at akmang lalabas ng kwarto pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at marahan

