Chapter 77

2015 Words

Pagdating sa bahay at agad akong nagtungo sa banyo para linisin ang katawan ko. Gusto kong linisin ang katawan ko dahil sa nararamdaman ko pa rin ang init ng dugo ni Mae sa akin. Habang nasa ilalim ng shower ay, kinuskos ko ng maigi ang braso ko kahit na nararamaman ko ang hapdi at malapit na akong magkasugat ay nagpatuloy ako. Nang hindi ko na kinaya ang hapdi ay tumigil na ako at nagsimula ulit umiyak tapos ay napaupo ako sa sahig. Sunod-sunod ang pagkatok ni Grant sa banyo para pagbuksan ko siya pero wala akong lakas para makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Kanina habang nasa byahe kami ay hindi na matigil ang pagtulo ng luha ko kahit pinapatahan ako ni Grant ay hindi ko nagawang tumigil. Paulit-ulit naglalaro sa isip ko ang ginawa ni Dexx kay Mae at naisip ko na oras na malaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD