"Kakaiba ka talaga," sabi sa akin ni Grant nang maabutan ko siyang gising pa at hinihintay niya pala akong makauwi. Kinuwento ko ang nangyari sa casino kanina at talagang sobrang saya ng gabi kong iyon. "Syempre, hindi ka naman siguro magpapakasal sa isang ordinaryong babae lang?" mayabang kong sagot s kanya habang umiinom ng gatas. Nang maubos ko iyon, agad akong tumabi sa kanya at niyakap siya. Nakapatong sa dibdib niya ang ulo ko at nilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang. "Nakakatakot rin kung magkataon, baka kung ano ang magawa mo sa akin oras na dumikit ng dumikit si Misa," natatawa niyang sabi at sa pagtatawanan natapos ang gabi namin. Kinabukasan, pagdating ko sa hapagkainan ay may mga bulaklak na dala ang katulong para sa akin. "Kanino ito galing?" tanong ko sa kany

