"Masarap pagkain dito," usal sa akin ni Josef ng makapasok kami at naupo sa gilid. Maaliwalas ang restaurant na iyon. Hati ang kulay ng pintura nito. Sa itaas ay kulay puti tapos itim naman ang nasa ilalim. May mga nakadisplay dito na ilaw at talagang bagay sa disenyo nito. Sa ibabaw ng amig lamesa ay mga fluorescent na rose gold ang kulay at malamya lang ang liwanag nito dahil maliwanag pa. Nakalagay sa kulay puting pabilog na lamesa ang sinaunang kanawan ng tsaa tapos ay dalawang baso. Kulay itim ang mga upuan. Lumapit na ang isang waitress sa amin at binigay ang menu. By set ang pagkain nila dito at naisip kong kumain na lang ng steak dahil nakakaakit ito sa kanilang menu. Roasted chicken naman in-order ni Josef at nagdagdag ako ng isang salad plate. Nang mawala na ang waitress

