Sinundo ako ni Dexx ng gabing iyon. Dahil romper ang napili kong isuot, paglabas ko ng bakod ay naramdaman ko sa aking balat ang ginaw ng gabing iyon kaya nilagay ni Dexx ang palad niya sa braso ko at mabilis niyang hinaplos ito para mainitan ang balat ko. "Salamat," sabi ko sa kanya at nagmadali siyang pumunta sa kanyang sasakyan saka pinagbuksan ako ng pinto tapos ay tumakbo siya sa kabila para sumakay sa sasakyan niya. Nagbalik sa akin ang mga panahon na naglalakad ako tuwing gabi sa bukid at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. "Sandali," sabi ko sa kanya at hininto niya ang sasakyan niya sa gilid at lumabas ako ng sasakyan. Tumayo ako sa gilid at tumingala. Nagagandahan pa rin ako sa mga ito at may lumandas na luha sa gilid ng aking mga mata. Ninamnam ko muli ang lamig ng s

