Nauna akong nagising kay Dexx at pinagmamasdan ko siya habang mahimbing pa sa pagtulog. Sinampal ko siya ng malakas at nang ma-alimpungatan siya ay umarte akong nag-aalala. HInawakan ko ang magkabilang balikat niya. "A-anong nangyari? Bakit mo ko sinampal?" nagtatakang tanong niya s akin pero ngumisi lang ako sa kanya. "Hindi kita sinampal, nananaginip ka siguro," sagot ko sa kanya at umayos na ako ng pagkakaupo saka nagtungo sa banyo para magpalit ng damit. Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya at hinahaplos ang kanyang pisngi. "Anong nangyari kagabi? Wala akong maaalala," hinaing niya sa akin at umupo ako sa kanyang binti tapos ay sinabit ko ang aking balikat sa kanya. "Napagod ka ng husto, ang wild mo pala," masiglang sabi ko sa kanya Tumayo ako sa harapan niya at inayos ang aking

