Nilapag ko ang bag ko sa makikita ko rin agad 'pag dilat ko ng mata ko tapos ay nahiga ako sa kama. Pinipilit kong umiyak ng oras na iyon para pagpasok ni Dexx ay makita niyang emosyonal ako sa ginagawa sa akin ni Misa. "Margaret, tulog ka na?" tanong niya sa akin at dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at hinaplos ang braso ko. Hinawi ko ang kamay niya at humarap sa kanya. "Bakit biglang nagbago ang ugali ni Misa? Maayos naman kami nung una, pero nang makuha ni Grant ang deal sa kompanya ko, nagbago siya?" nagsusumamo kong tanong sa kanya at pagpikit ko, saktong tumulo na ag mga luha ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at diniin ang kapit niya sa akin. Lumandas ang mga kamay niya sa braso ko at malumanay niya akong pinapakalma. "

