Chapter 68

2006 Words

Hinawakan ako ni Dexx sa braso kaya nanatili akong nakatayo hanggang sa tumunog ang telepono ko. Kinuha ko agad ito sa aking bag at sinagot ko ang tawag, galing kay Grant. "Nasaan ka?" tanong niya sa akin at napatingin kay Dexx. Lumayo ako ng kaunti sa kanya saka bumulong. "Tatawag na lang ako mamaya," sagot ko kay Grant at pinatay ko na ang tawag saka binalik sa bag ko ang telepono. "Sino yung tumawag?" tanong ni Dexx sa akin at binalot ng pagtataka ang kanyang mukha. Kinagat ko ang labi ko bago ako sumagot. Kailangan kong mag-isip ng magandang dahilan, baka tingnan niya ang aking telepono kung sino ang tumawag sa akin. "Si Grant, nagtatanong kung nasaan ako. Alam mo naman, magkaibigan kami at baka gustong makita si Misa, sa akin na siya nagtanong," mapagkunyari kong sagot sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD