Mula ng umalis si Dexx ay nagtagal pa ako sa ilalim ng lababo kahit mabaho at mabasa - basa ang lugar na iyon. Kailangan kng masiguro na ligtas ako bago lumabas. Nakarinig ako ng yabag at muli akong suminghap at hinanda ang baril. Narinig kong bumukas ang pinto at marahan ang naging paglalakad ng kung sino man ang pumasok. Gusto kong silipin kung sino ang pumasok pero hindi ko magawang gumalaw ng sandaling iyon. Nakita kong tumayo iyon sa aking harapan at pamilyar ang sapatos na suot nito. Bago pa man ako lumabas ay narinig ko na ang pagtawag niya sa akin. "Margaret!" sigaw ni Grant at nakaramdam ako ng pag-asa ng narinig ko ang kanyang boses. Kahit masama ang loob ko sa kanya ay sinantabi ko lang iyon at naisip kong saka na magagalit kapag nakaligtas ako sa lugar na ito. Pagapang ak

