Ilang oras lang ay nagising ako ng maramdaman ko ang halik ni Grant sa aking noo. Papikit-pikit pa ako at parang nanaginip pa dahil ang pagkakaalam ko ay nasa hospital siya. "Goodmorning! Bangon na, nagugutom na ako!" masiglang sabi ni Grant at tuluyan na akong umupo sa kama at sigurado na akong siya iyon. May benda pa ang kanyang braso kaya alam kong hindi siya makakakilos. Kumunot ang aking noo dahil marami naman silang katulong pero ako ang gusto niyang magluto ng makakain niya. "Ang dami naman katulong diyan, bakit ako pa?" "Ngayon lang ako humiling sa asawa ko, hindi ako pinagbigyan," sagot niya sa akin at umismid ako sa sinabi niyang iyon. Doon ko naisip na simula ng maikasal kami ay kahit isang beses, hindi ko pa nagawa ang responsibilidad ko bilang kanyang asawa. "O, sige

