"A-asawa?" nagtatangka na tanong ni Misa at nanglalaki ang kanyang mata dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Grant ng sandaling iyon. Nagkatinginan sila Arman at Dexx pero iba iyon sa reaksyon ng mukha ni Misa. Para siyang lugong-lugo nang marinig niya iyon. Alam kong minahal niya ng totoo si Grant pero hindi kayang suklian ni Grant ang nararamdaman niya. "Niloloko mo lang ako! Ako ang mahal mo, hindi ba?" nakakaawang sambit ni Misa at nagbabadya na ang kanyang luha ng sandaling yon. Unti-unti siyang humakbang papunta sa amin pero hinawakan siya ni Arman sa kanyang braso. "Niloko ka ng taong iyan! Patayin mo siya, Misa! Patayin mo!" sigaw sa kanya ni Arman pero hinahawi niya ang kamay nito. Namumula na ang braso niya pero hindi pa rin siya nagpatinag sa pag-awat sa kanya

