"Oo! Hindi talaga ako titigil hangga't hindi niyo pinagbabayaran ang lahat ng kasalanan niyo!" sigaw ko sa kanila. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin iyon dahil siguradong mapapagod na naman ako kaya kailangan ko ng lakas para harapin sila ngayon. "Bakit pilit mong pinagtatanggol ang mga iyan, wala silang pakialam sayo!" sigaw ko kay Misa. Alam kong mahirap ang plano kong ilayo si Misa sa kanila ngunit walang masama kung susubukan ko. Napahawak sa dibdib si Misa nang sabihin ko iyon at parang nagulat sa pagsigaw ko pero mas magugulat siya ngayon oras na sabihin ko sa kanya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Tiim - bagang naman ang reaksyon ni Arman at si Dexx, nakayuko lang siya ng makita ako. "Huwag kang maniwala diyan sa babaeng iyan, Misa! Gusto niya tayong sirai

