Pagmulat ng mata ko, ang puting kisame ng hospital ang bumungad sa akin kaya naman agad kong ginala sa loob ng kwartong iyon ang aking paningin nang makita ko si Tita Myline na nagbabalat ng mansanas sa tabi ko. Hindi niya pa napapansin na gising na ako kaya tumikhim ako at agad siyang tumingin sa akin at nabitawan ang hawak niya. "Rion! Gising ka na?" tanong niya pero hindi niya ako pinagtuunan ng pansin at nagmadaling ginising si Markus na natutulog ng mga oras na iyon tapos ay lumabas siya ng kwarto. "Dok! Nurse!" sigaw ni Tita Myline at pinilit kng tumayo pero pinigilan ako ni Markus. Agad naman akong napahawak sa aking tiyan para masiguro na maayos ang lagay ng aking anak. Nakaramdam ako ng pagsakit sa aking ulo kaya agad akong napahawak sa aking noo. "May masakit ba sayo?"

