Matapos kong marinig ang balitang iyon ay agad pumasok sa isip ko kung kamusta na si Grant. Naaalala ko na may tama siya ng baril. Natutulog si Tita Myline at lumabas muna si Markus para bumili ng kanilang pagkain. Gusto ko sanang gisingin si Tita Myline pero hindi ako makapagsalita at hindi ko rin magalaw ang aking kamay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinagsawalang-bahala ko na lang muna si Grant at sigurado naman akong inaalagaan siya ng kanyang kapatid. Mas kailangan kong magpalakas para sa anak ko. Nang makabalik si Markus dala ang dalawang plastic bag ng pagkain nila ay sinubukan kong itaas ang aking kamay at mabagal na tinaas ito. Sinundan naman ng tingin ni Markus ang aking kamay hanggang sa magawa kong maituro ang telebisyon. Nilapag niya ang pagkain sa table sa tabi ko at

