Nasa isang event kami ngayon at sa araw na to, ipapakilala na ako ni Camilla sa lahat. Marami akong pinagdaanan sa kanya kahit dalawang buwan lang akong tinuruan. Simula sa paglakad na hindi kinakabahan hanggang sa pagsasalita na may tapang ay tinuro sa akin ni Camilla. Kaming dalawa lang ni Grant ang nasa tabi ni Camilla. Nakapwesto kami sa pinakaharap ng mga tao, sa entablado kaya kitang-kita namin ang mga taong nandoon. Habang nagkakasiyahan na ang lahat, dumating na ang pinakahihintay naming tatlo, ang mga Lacson. Tumayo si Camilla para salubungin silang lahat. Nakatuon na ang atensyon ko kay Dexx. Lahat sila ay nakaputi. Puting tuxedo at dress na kumikinang sa mga dyamanteng disenyo nito. Lumingon ako kay Grant at agad siyang nagtago, ayaw niya talagang nakikita ang mga Lacson.

