May ilang mga Condominiums malapit sa Lacson Empire kaya agad akong nagtungo doon para humanap ng mabibiling unit. Gusto ko ay kitang-kita ko ang building ng mga Lacson sa mabibili kong unit. Kasama ko ang Consultant sa unit na iyon at hiniling ko talaga sa kanya na gusto kong makita sa terrace ng unit ko at nahanap ko ang tamang unit para sa akin. Sa ika-labing anim na palapag ang nahanap ko ang gusto kong unit. Iniikot ako ng Consultant hanggang sa makarating na kami sa terrace. "Mae, kukunin ko ang unit na to," sabi ko sa kasama at at inabot sa akin ng isang bodyguard ang cheque. Nakita kong kuminang ang mata ni Mae dahil hawak ko na ang ballpen at cheque. "Magkano ito?" tanong ko sa kanya at nang sabihin niya ang halaga ng unit, agad ko iyon sinulat at pinirmahan. Inabot ko kay M

