"Kamusta ang mga tao doon? Sinaktan ka ba nila?" tanong ni Grant sa akin. Siya ang sumalubong sa akin pagkauwi ko dahil saktong nasa labas siya ng gate at pauwi pa lang rin. "Ayos naman ang mga puppet ni Arman." Nanatili akong nakatayo dahil hinihintay kong umalis ang sasakyan ni Dexx bago ako nagsalita. "Puppet?" "Oo. Bawat isa sa kanila ay may pinapagawa si Arman. Para silang mga kawal ni Arman." Hindi ko na narinig ang sinabi ni Grant dahil nauna na akong pumasok. Gusto ko na magpahinga dahil sa pagod ko. Nasa kwarto lang ako at naisip ko ang gagawin ko laban kila Dexx. Tatanggapin ko ang alok nila bilang maging parte ng Lacson Empire. Kahit alam ko naman kilala na nila ako kung sino talaga ako. Hindi naman sila basta magtitiwala sa isang tao na ngayon lang nila kilala. Kung s

