"Hindi ka talaga marunong makinig," bungad sa akin ni Grant ng pag-uwi ko pero hindi ko inintindi ang sinabi niyang iyon. Nagawa ko ng malinis ang pangalan ko at ang galit nila Arman ang mas gusto kong unahin. Mauunawaan naman ako ni Grant at Camilla pero ayokong sagarin ang pasensya nilang magkapatid. Kailangan ko ng taong pwede kong asahan para maghiganti para sa akin. Sana ay makarating agad si Kuya Aero dito at matulungan niya ako agad. Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon at nilagpasan ko lang siya dahil pagod na pagod ako ng tanghaling iyon. Nagulat na lang ako ng bigla niya hablutin ang braso ko at hinila ako ng marahan pabalik sa harapan niya. "Kinakausap pa kita," galit niyang sabi sa akin at kita ko sa kanyang mukha ang pagkainis dahil sa nakakunot niyang noo. Tinitigan

