May ilang mga reporter na nasa tapat ng gate ng bahay ni Camilla at siguradong kukulitin ako sa kung ano ang nangyari ngayong araw. "Doon na tayo sa Condo tumuloy at hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko," sabi ko sa kanila at agad nilang inutusan ang driver para gawin yon. "Bakit hindi na muna tayo lumayo dito, mag-bakasyon muna tayo, sa Tagaytay?" sabi ni Grant sa akin at naisip kong maganda na rin ang sinabi niya para kahit papaano ay makalayo kami pansamantala. "Magandang ideya yan. Isama natin ang lahat. Si Mina, Greg at Philip," pagsang-ayon ni Camilla sa kanyang kapatid. "Nasaan nga pala si Greg?" tanong ni Philip at tikom lang ang bibig ko dahil sa pinagawa ko sa kanya. Alam kong nagtataka rin sila Camilla at Grant kung nasaan nga ba ang lalaking iyon pero wala akong pinagsa

