Isang buwan ang lumipas matapos ang nangyari sa Plaza ay nakaligtas si Grant sa nagawang pagkakamali ng mga inutusan naming lalaki at nagkaayos naman kami ni Camilla. Nagalit lang siya dahil napahamak ang kanyang kapatid at naiintindihan ko iyon. Kung ako ang nasa lugar niya at magagalit rin ako ng husto. Kasabay ng paglipas ng araw na iyon ay ang paghilom rin ng sugat ni Dexx at inayos na ni Arman kung kailan gaganapin ang aming kasal at ngayong araw na ang nais niya. Hinanda ko na rin ang lahat ng dapat gawin para sa kasal at sa pagpaplano kong pahintuin ang kasal kasabay ang paglalabas ng kanilang tunay na kulay sa publiko. Hindi naman alam ni Arman kung saan kami ikakasal kaya ang pinili kong simbahan ay ang may kakayanan at may malaking screen para makita rin ng taong bayan ang magi

