Hindi pa rin ako makapaniwala na tinupad ni Grant ang sinabi niya kagabi na bukas na bukas ay papakasalan niya ako. Gusto ko sanang sampalin ang sarili ko baka magising ako at panaginip lang pala ang lahat. Pero nakikita kong kumikilos ang lahat at abala sa preparasyon ngayong araw na ito. "Congratulations!" bati sa akin ni Camilla habang nasa kwarto niya kami at inaayusan ang buhok at mukha. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng gown ang isusuot ko pero hindi na importante iyon. "Grabe naman si Grant. Hindi niya man lang ako binigyan ng gulat. Ni hindi ko alam sino-sino ang mga abay at ninong sa kasal na ito," sabi ko kay Camilla at tumawa siya ng mahina dahil inaayos na ang kanyang make-up ng umagang iyon. "Ano pa nga ba? Kaya nga Grant ang pangalan ng kapatid ko, granting wishes

