Umalis silang tatlo sa loob ng kwartong iyon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin si Grant. Pinilit kong ilapit ang upuan ko sa kanya at kahit nakatalikod ay pinilit kong tulungan si Grant. Kailangan namng makatakas dito dahil ano mang sandali ay maaaring katapusan na namin. "Grant, wala bang masakit sayo?" tanong ko sa kanya habang nakatalikod kaya nilingon ko siya at umiling siya sa akin. Hindi pa rin siya makapagsalita dahil sa busal sa kanyang bibig. Ilang oras rin pero wala pa rin sila at nakaramdam na ako ng pagod sa ginagawa ko kaya nagpahnga muna ako sandali tapos ay ginawa ko uli ang balak ko. Nagdidilim na ng bumalik silang tatlo pero nanglaki ang mata ko sa kung sino ang kasama nila.Si Camilla. Nakagapos rin ito at magulo ang kanyang buhok. Basang-basa na rin ang ka

