"Sobra na talaga sila!" Sinuntok ni Grant ang pader kung saan kami nagtago. Kitang-kita ang galit sa kanya ng mga sandaling iyon. "Grant, huwag mong saktan ang sarili mo!" sigaw ko sa kanya at kinuha ko ang kanyang kamay na may sugat dahil sa ginawa niya. Tinitigan niya ako at lumakad palayo sa akin. "Saan ka pupunta!" sigaw ko sa kanya at hinila ko ang kanyang braso. Huminga siya ng malalim ng tumingin siya sa akin. "Tatapusin ko na ang lahat ng kabaliwan ng pamilyang iyon!" sagot niya at marahang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at malalaking hakbang ang kanyang ginawa papalayo sa akin at nagtungo siya sa kanyang sasakyan. Labis na takot ang nararamdaman ko dahil ang daan na tinahak niya ay ang daan papunta sa bahay nila Dexx. "Hayaan mo na muna siyang

