"Magpahinga ka na," sabi sa akin ni Grant habang nakahiga kami ngunit hindi pa rin ako mapakali dahil paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tumayo ako at lumakad papunta sa bintana habang si Grant naman ay bumangon rin pero nakaupo ang siya sa gilid ng kama. Pinagmamasdan ko lang mula sa bintana ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pagpatay kay Philip at nagulat ako sa biglang pagdating ni Arman at kinausap ang isang pulis tapos ay tinuro ang bahay ko. Maya-maya pa ay lumapit ang pulis sa aming bahay at parang naghahanap ng makakausap. Agad akong nag-ayos ng sarili ko dahil masakit pa rin ang mata ko gawa ng sobrang pag-iyak dahil sa pagpatay nila kay Philip. "Saan ka pupunta?" galit na tanong sa akin ni Grant pero hindi ko siya pinansin at naglagay ako ng kaunti

