Wala akong gana ng gabing iyon kaya nanatili lang ako sa aking kwarto pero nagulat ako ng biglang pumasok si Grant at may dalang pagkain. Nakakaisip pa rin siya ng mga ganitong klase ng bagay kahit nasa gitna kami ng laban. "Wala akong gana kumain," matamlay na sabi ko sa kanya at humiga na uli sa kama ko. Tinalikuran ko lang siya pero naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Nakaramdam ako ng kuryente ng gawin niya iyon kaya hinawi ko ang kamay niya sa akin. "Grant, wala ako sa mood. Pagod ako." "Kailangan mong kumain." matalim niyang sabi sa akin at tinitigan ako ng masama. Hindi ako makalaban sa kanya pagdating sa titigan dahil iyon ang kahinaan ko. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay parang nanghihina ako at hinihigop niya ang buong lakas ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahi

