Nagising na lang ako ng maramdaman kong may gumagalaw sa tabi ko at pagmulat ko, si Grant iyon at inaayos ang almusal ko. Ayaw pa rin niya akong payagan na umalis. Naiintindihan ang gusto niya pero nasasayang ang oras habang nandito ako at nagkukulong. Alam kong mabilis kumilos ang pamilyang iyon dahil nasa kanila ang yaman at hawak nila ang batas. pakiramdam ko, habang nandito ako ay kumikilos na talaga sila. "Wala akong gana." Bmangon ako at tumitig lang sa pagkain na dala niya. Kailangan ko lumabas at tulungan ang mga taong nadamay dahil sa akin. "Grant, payagan mo na akong lumabas dito," sabi ko sa kanya na may halong pagmamakaawa. "Hindi pwede, Margaret. Ayokong may mangyaring masama sayo," sagot niya sa akin at nang hindi ako kumakain, sinubuan niya na naman ako. Iniwas ko ang

