"Camilla, nasaan si Grant?" tanong ko sa kanya ng mapadaan ako sa dining area. Siya lang mag-isa ang kumakain ng umagang iyon. Kahit gustuhin ko man na saluhan siya at may importante akong lakad. "Hindi ko alam. Maaga siyang malis." Pinagtaka ko ang sinabi niyang iyon dahil wala naman sinasabi sa akin si Grant na aalis siya. May plano siya at hindi niya magawang sabihin sa amin ni Camilla iyon. Kinutuban ako dahil doon. Simula ng malaman ni Camilla ang tungkol sa amin ng kanyang kapatid, parang lumayo na ang loob niya. Madalas kaming nag-uusap kapag nasa loob kami ng opisina pero sa mga nakaraang araw, binabalot na kami ng katahimikan. Ang pagtitipa at ang pakikipag-usap lang ni Camilla ang nagiging ingay ng kwartong iyon. Hindi na siya nakipag-usap sa akin kagaya noon. "Anyway, hi

