BACHELORETTE PARTY 2 CONTINUATION... TONYROSE JAYME "ANDYAN na sila!" malakas na tili ni Rene bago dali-dali at mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo papunta sa pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanila ang tatlong kalalakihang malalaki ang katawan at tanging maninipis na brief at maskara lang suot. Sabay-sabay na nagtilian ang mga ito pagkakita sa mga lalaki kaya't mabilis siyang napatakip ng tenga. Marahil ito na ang mga male dancer na inupahan ng kanyang mga kaibigan para sa nagaganap na Bachelorette Party. "Oh my gosh! Akin ka!" sigaw ni John Paul bago dali-daling takbuhin ang isa sa tatlong lalaki na hindi pa tuluyang nakapapasok sa loob. Mabilis na lumingkis doon ang kaibigan bago aligagang hatakin ito paupo sa couch. Naiiling na pinagmasdan niya lang ito habang si Rene naman