LAST LAUGH TONYROSE JAYME "WHAT the heck are you doing here? What the hell do you want?" malakas at pasinghal na tanong ni Craig sa kung sino habang nakatalikod sa direksyon niya. Sinundan niya ang binata kahit pa sinabi nitong mauna na siya sa kotse at samahan ang mga kapatid. Halatang-halata sa boses ng binata ang galit at panggigil kaya't mas lalo siyang naging kuryoso sa kung sino ang kausap nito. Pasimple at maingat siyang sumilip mula sa kotse kung saan siya nagtatago ngunit dahil malaking tao ang binata ay nahaharangan nito sa paningin niya ang kausap. Pinilit niyang aninagin kung sino man iyon, tumingkayad na siya't lahat ngunit bigo pa rin siyang makita kahit anino ng taong iyon. Bumalik na lamang siya sa pagkukubli sa likod ng sasakyan habang mataman at alistong nakikinig pa sa