TWIN YEAR 20XX MARIA CRUZ "Wha-what did I do... what did I do to deserve this? A-anong naging ka-kasalan ko sa'yo?" tanong niya sa lalaking nasa harap sa nanginginig na tinig. Hindi siya umiiyak ngunit sobrang durog na durog ang kung ano mang nasa loob niya. Hindi niya matignan ang mukha nito dahil natatakot siya at nandidiri. Yakap niya ang sarili habang pilit na tinatakpan ang hubad na katawan gamit ang mga punit niyang damit. "You ruined my twin brother's life. You deserve that," sagot nito sa malamig at malalim na tinig. Alam niyang nakatingin ito sa kanya dahil ramdam na ramdam niya iyon kahit pa nakayuko siya. "I-I did not. He-he's the one who called me. He-he's the one who che-cheated on her. It-it's not my fault he's weak with the temptations," depensa niya ngunit narinig niya