Chapter 64 Bigla akong nasaktan sa huling naisip. Sana hindi naman ganoon. Hindi ko kakayanin. Ano naman ang silbi ko bilang girlfriend kung wala siyang tiwala sa akin? Ano ang sibli ng relasyon namin kung hindi ko siya dadamayan sa problema niya. Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya at taimtim na tinitigan. Kita ko rin sa kaniyang mga mata ang pangungulila. Pareho lamang kaming dalawa ng pinagdadaanan. Kapwa namin miss ang isa't isa kaya ang sumunod na nangyari ay hindi na namin napigilan. agresibi niyang nilapit sa akin ang mukha niya at uhaw na uhaw akong hinalikan. Tinugunan ko naman ang mga halik niya sa akin habang nakapikit ang aking mga mata. He deepened the kiss by pulling me closer to him. Halos wala nang espasyo ang namagitan sa aming dalawa ngayon. Tumigil siya sa paghalik

