Chapter 63 Mula nang araw na 'yon, madalang ko na naabutan sa umaga si Khazer. Tulog naman ako kapag umuuwi na siya sa condo. Minsan naman ay may mga gabing hindi siya nakakauwi. Ganoon ang naging sestima namin at kahit na ayaw ko ay wala naman akong magawa. Sinubukan ko pa rin siyang intindihin kahit na masakit at kahit na mahirap. Tiniis ko na lang ang lahat dahil ayaw kong dagdagan pa ang mga iniisip niya. Halata naman kasi na may mabigat siyang problema at ayaw ko nang dumagdag pa dahil alam kong hindi nakakatulong ang aking pagrereklamo. Nakakainis lang dahil hindi naman niya sinasabi sa akin para lutasin naming dalawa ang lahat. Kung hindi niya lang sinabi sa akin na mahal na mahal niya ako ay iisipin kong may ibang babae na siya ngayon. Iyon naman ang mga inisyal na iniisip ng

