Chapter 76 "Let's go." Aya ko kay Greg nang makapunta ako sa mesa namin. Tumango naman siya at agad na binayaran ang bill namin. Inalalayan niya ako makalabas at ginawa niya ang lahat para hindi na sa amin makalapit si Khazer. He was about to come near us, but Greg was more alert. "Are you okay?" paulit-ulit na tanong sa akin ni Greg habang pauwi na kami. Nasa loob kami ngayon ng kaniyang sasaktan habang nagda-drive siya. Hindi na kasi ako nagsasalita at kitang-kita ko ang pag-aalala niya. Ramdam ko na gusto niyang balikan sana si Khazer dahil alam niyang ang dating kasintahan ang rason kung bakit bumalik na naman ako sa pagiging ganito but he didn't. Gusto niya na ilayo rin ako kay Khazer. "Naiinis ako sa sarili ko." Tinigil niya ang kotse sa gilid ng daan. Tiningnan ko siya dahi

