Chapter 77 Nang makabalik, 'di sinasadyang nagkita kami ni Khazer sa isang bar. Hindi ko inaasahan na magkikita kami roon kung saan ako niyaya ng mga barkada ko. Lasing na lasing siya at parang mas lalong naging miserable. Hindi niya ako pinansin. Tinitigan niya lang ako. 'Di nagtagal ay umiwas siya ng tingin. Nawala na naman ako sa sarili. Nasabi ko sa sarili na tama lang ang ginawa niya. Hindi ko makalimutan ang huli kong sinabi sa kaniya na 'wag na siyang magpapakita sa akin kahit kailan. At kung magkataong magkita man, magpanggap na lang siya na hindi kami magkakilala pero masakit pala! Nawalan na ako ng gana kaya tumawag ako sa mga kaibigan na hindi ako p'wede. Hindi ko na lang sinabi na dumating ako pero 'di na tumuloy. Minsan ko na ring naranasang mahalin niya. Akala ko magi

