Chapter 70 "Babe, open the door." Narinig ko ang boses ni Khazer. Napatingala akong napatingin sa doorknob. Bubuksan ko sana kaso naalala ko ang mga nangyari at nalaman ko kanina. Pinigilan ko ang sarili ko at mas lalong naiyak. Ayaw ko siyang makausap, naninikip lamang ang dibdib ko. Pansin ko sa boses niya na mukhang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. He sound tired like usual. Hinayaan ko siyang kumatok at hindi bumaba sa kama para pagbuksan siya. Siguro galing siya kay Preslyn. Ano pa ba ang silbi nang pagpunta niya rito? Ano ba talaga ako sa kaniya? He didn't even open up marriage to me. Napaiyak ako nang may na-realize. Siguro wala naman talaga siyang balak makasama ako habambuhay. Baka kailangan niya lang ng... parausan. Mas lalo akong naiyak dahil sa huling naisip. Naawa

